MANILA, Philippines - Dahil sa pakikipag hiwalay ng kanyang tomboy na live-in partner, winakasan ng isang 24-anyos na lady guard ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pag-inom ng silver cleaner sa Pasay City, kamakalawa ng gabi.
Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa San Juan De Dios Hospital si JaÂne lyn Ulep, nakatalagang lady guard sa NAIA TerÂÂminal-1 habang iniimbestigahan na ang live in partner nitong si Maryjane Catalan, 32, isa ring lady guard sa NAIA Terminal 3.
Ayon kay Pasay City Police chief Sr. Supt. Rodolfo Llorca, dakong alas-8:20 ng gabi nang matuklasan ang pag-inom ng lason ni Ulep sa loob ng inuupahang silid sa 195 Baltao St., ng naturang lungsod.
Sa pagsisiyasat ni SPO1 Cris Gabutin ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) ng Pasay police, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa matapos maghinala si Catalan na may kinahuÂhumalingan na isa ring tomboy sa NAIA Terminal-1 ang biktima.
Dahil dito, nag-text si Catalan kay Ulep at sinabing tinatapos na nito ang kanilang relasyon dahil hindi naman siya pinahahalagahan ng live in partner.
Gayunman, magkaÂsÂama pa ring umuwi ang dalawa sa bahay kung saan agad na nagkulong sa kwarto si Ulep at saka tumungga ng silver cleaner.
Nang pasukin ni CaÂtalan sa silid si Ulep, nakita na lamang niya itong nakabulagta kaya’t huÂmingi ng tulong sa mga kasamahan upang daÂlhin sa pagamutan.