MANILA, Philippines - Nasabat ng mga tauhan ng Customs sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang isang 40-anyos na Nigerian na may dalang tatlong kilong methamphetamine hydrochloride o shabu na nagkakahalaga ng P15 milyon sa bagahe nito matapos itong dumating sa paliparan galing Bangkok, Thailand, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang drug mule na si Michael Owoborode.
Ayon sa ulat, galing ang suspect sa Lagos at nagtungo ng India at Bangkok at pagkatapos ay nagpunta sa Manila.
Nakatanggap umano ang Customs ng impormasyon mula sa kanilang counter part sa abroad na paparating sa NAIA ang dayuhan.
Si Owoborode ay binitbit ng mga awtoridad para sampahan ng kaso sa Pasay City Regional Trial Court (RTC) kung saan ito nakapiit sa himpilan ng PDEA-NCR.