^

Metro

No. 5 most wanted sa Marikina, arestado

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nadakip ng Marikina City Police ang 19-anyos na lalaki na nakatala bilang ika-5 sa listahan ng most wanted sa lungsod dahil sa kasong pagpatay.

Iprinisinta kahapon ni Eastern­  Police District Director, Chief Supt. Miguel Laurel ang suspek na kinilalang si Muhammad Buensueto, bi­nata, walang trabaho at naninirahan sa Block 9 Phase 1 Balubad Settlement, Nangka­, Marikina.  Nahaharap ang suspek sa kasong murder sa Marikina Regional Trial Court.

Sa ulat, nakatanggap ang Marikina Police ng tip buhat sa informant na namataan si Buensueto na naglalaro ng basketball sa Balubad Resettlement. Dakong alas-6 ng hapon nang arestuhin ng mga tauhan ng Intelligence Unit ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Lorna Catris-Chua ng Marikina RTC branch 168.

Nabatid na una nang na­aresto si Buensueto noong 2010 ngunit nakatakas ito sa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development sa Tanay, Rizal nitong Abril 15. Muli namang bumalik ito sa kanyang tirahan sa pag-aakalang hindi na siya hahantingin ng pulisya sa nagawang krimen.

BALUBAD RESETTLEMENT

BALUBAD SETTLEMENT

BUENSUETO

CHIEF SUPT

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

INTELLIGENCE UNIT

JUDGE LORNA CATRIS-CHUA

MARIKINA CITY POLICE

MARIKINA POLICE

MARIKINA REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with