MANILA, Philippines - Isang bagitong pulis at tatlong barangay officials ang nasa balag ng alanganin makaraang ireklamo nang pananakit ng isang tricycle driver na hinuli dahil sa overspeeding kamakailan sa lungsod Quezon.
Ang kinasuhan ng physical injuries sa Quezon City proseÂcutors office ay sina PO1 Elizardo Dorado ng Novaliches police station, at mga barangay officials na sina Cynthia LaÂnuzoÂÂ, Lanie Ledesma at Romeo Rebulgera.
Ang mga nabanggit ay inireklamo ng tricycle driver na si Mark Gregory Manaog, 27, nang pananakit sa kanya sa harap ng barangay hall noong April 13 ganap na alas-3:30 ng madaÂling araw.
Sinabi ni Manaog, pinara umano siya ni Dorado dahil sa pagpapatakbo ng mabilis sa kanyang tricycle, saka dinala sa barangay hall. Diumano, kabibiyahe lamang ng biktima nang umano’y suntukin ito ng pulis sa bibig, sanhi para bumagsak siya saka muling pinagtatadyakan.
Sa pahayag ng biktima, nagmaka-awa umano siya sa pulis na huminto, pero hinawakan pa umano siya nito sa leeg para makatayo at muling sinuntok. Sabi pa ni Manaog, hinawakan din umano siya sa braso ng tatlong peace officers ng barangay habang sinusuntok ni Dorado.
Maging ang kapatid umano ng biktima na si Masol, ay nakiusap sa opisyal na huminto at niyakap pa ang biktima para salagin ang suntok dito. Ito anya ang naging pagkakataon makaalpas si Manaog at nagtatakbo. Nang sumakay ang magkapatid sa tricycle at humarurot, sumakay din umano si Durado sa motorsiklo at hinarang sila at tinangka pang kunin ang susi nito.
Sa kabutihang palad, isang patrol car ng Novaliches policÂe station ang dumating ang nakialam. Ang ibang pulis ay sinabihan ang biktima na bumalik sa barangay hall pero dinala ni Manaog ang sarili sa Quezon City General Hospital matapos na umalis ang mga pulis.