MANILA, Philippines - Nanindigan ang pamahalaang lungsod ng Marikina sa pagbabawal sa pag-aalaga ng hayop sa mga komunidad na matatao o dikit-dikit ang mga bahay makaraang makatanggap ng pagbatikos sa isang “animal rights groupâ€.
Sinabi ni Marikina City Mayor Del De Guzman na may pinagbabasehan silang ordinansa sa pagbabawal sa pag-aalaga at panghuhuli sa mga hayop sa kalsada. Ipinasa ang Ordinansa Blg. 13 serye ng 1997 na dumaan naman umano sa “public hearing†at inaprubahan ng mga lider ng mga komunidad sa lungsod.
Nabatid na ang naturang ordinansa ay tinututulan ng ilang “animal welfare group†na tinaguriang “anti-poor†dahil nagbabawal umano ito sa mga mahihirap na pamilya na mag-alaga ng hayop at tanging mga mayayaman lamang na may malawak na bakuran ang maaaring magkaroon ng alagang hayop.
Ipinaliwanag ni De Guzman na ang karaniwang sukat ng bahay sa mataong lugar sa lungsod ay 24sqm at magkakadikit pa. Lubhang maliit umano ang espasyo at nagdudulot ng maraming problema tulad ng dumi ng mga hayop, at nakaambang sakit na maaaring makuha sa mga aso, pusa at manok tulad ng hika at rabies kung makakakagat.
Hindi umano ito “anti-poor†dahil sa ang layunin ng ordinansa ay iiwas sa panganib at sakit ang mga mamamayan sa lungsod mayaman man o mahirap.