Anak ng chairman, sugatan sa boga

MANILA, Philippines - Sugatan ang 32-anyos na anak ng isang ba­rangay chairman sa Pasay City makaraang barilin ng ama ng binatilyong barker na ginulpi umano ng una, kamakalawa ng hapon sa Pasay City.

Tinamaan ng bala sa kanang braso si Roland Laurente, Jr., anak ni Roland Sr., kapitan ng Brgy. 151 Zone 15  habang nadaplisan naman ng bala sa may dibdib ang may-ari ng isang karinderya na si Jose Ronald Luangco.  Kapwa isinugod ang dalawa sa San Juan de Dios Hospital.

Nakatakas naman ang suspek na si Philip Bendida­, habang dinakip naman ang 17-anyos nitong anak na si “Boy”.

Sa imbestigasyon, unang ginulpi umano ni Laurente­ Jr. ang binatilyong barker sa tapat ng Elavil Bus Terminal sa may Edang St. sa hindi pa mabatid na dahilan.

Nagsumbong naman ang binatilyo sa ama na armado ng paltik ay rumesbak sa lugar.  Dito nito inabutan ang biktima na agad na sinapak sa mukha ng suspek.  Nang tutukan ng baril, nagawang makatakbo ni Laurente Jr. kaya nang paputukan ay hindi ito napuruhan ng bala.

Show comments