MANILA, Philippines - Isang pulis- Quezon City ang sinampahan ng kasong pagnaÂnakaw ng isang Iranian national makaraang kunin umano ng una ang mahahalagang gamit ng huli nang aresÂtuhin ang naturang dayuhan, kamakailan.
Kinasuhan sa sala ni QC-RTC Branch 80 Judge Charito GonÂzaÂles si PO1 Levi de Vera na nakatalaga sa QCPD-Station 10.
Sa reklamo ni Hamid Reza Aghaali MaghazehÂ, sinabi nito na naganap ang pagnanakaw sa kanya ng naturang pulis noong siya ay hulihin habang nagmamaneho ng kanyang motorsiklo sa kahabaan ng Tomas Morato sa naturang lungsod.
Sinabi ni Maghazeh na nang siya ay arestuhin ni PO1 De Vera at kasama nito ay dinala siya malapit sa may Zirkoh bar at doon ay kinuha ang kanyang Nokia model N96 cellular phone na may halagang P16,000; Samsung Galaxy Y cellular phone na may halagang P5,990; kanyang lisensiya; certification ng rehistro; or/cr ng rehistro at sticker ng kanyang motorsiklo at P3,000 cash.
Ani Maghazeh, makaraan malimas ang kanyang pera at ibang mga gamit ay agad siyang pinakaÂwalan ng naturang pulis.
Pinayagan naman ng korte na makapagpiyansa ang inireÂreklamong pulis sa halagang P100,000.