MANILA, Philippines - Nilinaw ni Department of Education (DepEd)-Taguig-Pateros administrator Dr. George Tizon ang ulat na naÂpatay ang high school student na si Juny Jabon sa loob ng President Diosdado Macapagal High School.
Ayon kay Tizon, naganap ang insidente sa labas ng eskuwelahan matapos magkaÂsikuhan sa paglalaro ng basketball ang biktima at suspect noong Huwebes.
Napatay sa suntok si Jabon ng menor-de-edad na suspect sa pamamagitan ng paggamit ng brass knuckles.
“Nililinaw ko po na hindi sa loob ng paaralan naganap ang insidente taliwas sa mga naunang balita. Ang basketball court po ay nasa labas ng eskwelahan at ang pinangyarihan ng pambubugbog at pagkamatay ng biktima ay 100 meters away po sa eskwelahan,†pahayag ni Tizon.
Ginawa ni Tizon ang pahaÂyag upang itama ang naunang mga ulat na naganap ang insidente kasabay ng enrollment ng mga bata. Wala aniyang katotohanan ito dahil matagal nang naka-enrol ang biktima.
Inihayag din ni Tizon na bagamat naganap ang insiÂdente sa labas ng paaralan ay gagawa sila ng mga hakbangin sa tulong ng pamahalaang lungsod at mga opisyal ng baÂrangay kung paano mapu-protektahan ang mga estudÂyante sa masasamang elemento.