Dalaga binistay ng bala

MANILA, Philippines - Bumulagta ang isang dalaga makaraang sorpresang pagbabarilin ng isa sa dalawang lalaki habang ang una ay nakatayo sa harap ng kanyang bahay sa lungsod Quezon, kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Novaliches General hospital ang biktimang si Joan Dela Cruz, 22, makaraang magtamo ng mga tama ng bala sa kanyang katawan, ayon kay PO2 Alvin Quisumbing, may-hawak ng kaso.

Lumilitaw na nangyari ang insidente habang ang biktima ay nakatayo sa harap ng kanyang bahay sa Interior Masaya Republic Avenue, Brgy. Gulod Novaliches, ganap na alas- 9:10 ng gabi nang dumating ang dalawang suspect, kung saan isa sa mga ito ang may dalang baril at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima.

Nang matiyak na wala nang buhay ang biktima, agad na umalis sa lugar ang mga suspect, habang ang biktima naman ay isinugod ng isang Lynn Miranda sa naturang ospital subalit hindi na rin ito umabot pa ng buhay.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa isinagawang krimen.

Show comments