Holdaper na riding-in-tandem, timbog
MANILA, Philippines - Isa sa tatlong kalalakihan na naka-motorcycle riding in tandem ang arestado ng pulisya matapos nilang holdapin ang isang UV-Express van kamakalawa ng gabi sa Makati City.
Nakakulong ngayon sa Makati City Police ang suspect na si Reiner Magbantay, 26, binata, nakatira sa Bilibid Viejo St., Quiapo, Manila.
Samantala, pinaghahanap pa ng pulisya ang dalawang kasamahan nito at inaalam pa rin ang pagkakakilanlan ng mga ito.
Ayon sa report ng Makati City Police, naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng gabi sa south bound ng EDSA-Kalayaan Flyover ng naturang lungsod.
Nabatid na ang tatlong suspect ay magkaÂkaangkas sa isang motorsiklo at nakabuntot sila sa isang UV-Express van na may plakang TXX-142.
Kaagad nilang tinutukan ang driver at ang mga pasahero at nagdeklara ng hold-up at pagkatapos na maisagawa ang krimen ay mabilis na nagsitakas ang mga suspect.
Tiyempo namang nagsasagawa ng opeÂration ang mga kagawad ng Makati City ay namataan nila ang mga kahina-hinalang kilos ng mga suspect.
Kaagad na nagduda ang mga pulis at sinita nila ang mga suspect dahil ang naturang lugar ay talamak ang nagaganap na holdapan.
Subalit ang nadakip lamang ay si Magbantay at nakatakas ang dalawa at nalaman nga na ito ay kasama sa panghoholdap sa isang UV-Express van.
- Latest