MANILA, Philippines - Muli na namang nagkaÂaberya ang opeÂrasyon ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 matapos na tumirik ang isang tren nito sa reverÂsing track sa RooseÂvelt station sa Quezon City.
Ayon kay Atty. HerÂnando Cabrera, tagapagsalita ng LRT AuthoÂrity (LRTA), dakong alas-11:45 ng umaga nang maganap ang aberya.
Nauna rito, katatapos lamang umanong magbaba ng mga pasahero ng tren sa Roosevelt station at bubuwelta na sana sa reversing track nang bigla itong tumirik.
Dahil dito ay nagkaroon ng degraded opeÂration ang LRT Line 1 o mula Monumento Station hanggang Baclaran Station na lamang at pabalik.
Pansamantala ring isinara ang Balintawak at Roosevelt Stations dahil sa naturang aberya.
Kaagad namang naÂibalik ang operasÂyon ng LRT matapos na maÂialis ang tumirik na tren sa reversing track.