Parak na humahabol sa snatcher, patay sa atake sa puso

MANILA, Philippines -  Patay ang isang 34-anyos na miyembro ng Manila Police District-Station 8 nang biglang atakihin sa puso matapos ang mahabang pakikipaghabulan sa isang snatcher sa  Sta. Mesa, Maynila, kamakalawa.

Kinilala ang nasawing pulis na si  PO1 Edgar Valdez,  ng Sitio Uno St.,  Sangandaan, Caloocan City at naka-assign bilang beat patroller­ sa V. Mapa Police Community Precinct PCP sa Sta. Mesa.

Nabatid na rumesponde sa isang tawag sa nagaganap na snatching incident si Valdez at hinabol nito at naaresto naman ang suspect na si Rosselle Villamar, 48,  ng Pinaglabanan St., San Juan. Ngunit ilang sandali lamang umano ay nakaramdam ng paninikip ng dibdib at hirap sa paghinga ang pulis.

Ayon naman kay Dr. Angelir Oropilla, me­dical specialist III ng National Bureau of Investigation (NBI), acute myocardial infarction  ang sanhi ng pagkamatay ni PO1 Valdez o atake sa puso.

 

Show comments