MANILA, Philippines - Isa sa tatlong miyembro ng bolt cutter gang ang nadakip ng pulisya habang papalabas sa pinasok at pinagnakawan nilang establisimento sa Pasig City, kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ang nadakip na suspek na si Ryan Rivera, 37, residente ng Kasoy St., Brgy. Kalawaan sa lungsod.
Nabatid na dakong alas-2:30 ng madaling-araw nang pasukin ng suspek at dalawa nitong kasama ang Rawiyah Cellphone and Accessories shop na pag-aari ng isang MuÂhammad Ishan na nasa Mariposa Bldg. Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.
Sinabi ni Valdez, nakaÂpasok sa loob ng shop ang mga suspek makaraang gamitan ng bolt cutter ang malaÂlaking padlock ng roll up door.
Tinangay ng mga suspek ang hindi pa mabatid na dami at halaga ng mga panindang iba’t ibang brand ng mga cellphone ganun din ang mga tablet.
Isang janitor na nagngaÂngalang Ibra Macabaning ang nakapansin sa mga suspek habang papalabas ng shop kaya nagsumbong ito sa mga awtoridad at security guard sa lugar.
Nagkanya-kanya naman ng takbo ang tatlo kaya si Rivera lamang ang naaresto kung saan nakuha rito ang 60 piraso ng cellphone na nakalagay sa dala-dala nitong bag.
Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang pulisya para sa tuluyang pagdakip sa dalawang nakatakas na suspek.