Super Health Centers, ikakalat sa Taguig
MANILA, Philippines - Para pagkalooban ng libre, mabilis at epektibong serbisyong medikal ang mga matataong baÂrangay, tatlo pang Super Health Center ang itatayo sa iba’t ibang baÂÂrangay sa lungsod ng Taguig 24 oras.
Sa ngayon, isang palapag na Super Health Center ang nasa Brgy. Ligid-Tipas isa pang nakatakdang pasinayaan sa North Signal Village sa anibersaryo ng Taguig sa April 20.
Ang tatlo pang mga susunod na Super Health Center, na pinondohan ng P5-milyon baÂwa’t isa, ay magkakaroon ng apat na palapag tulad ng katatapos na building sa North Signal at itatayo sa taong ito sa Brgy. Central Bicutan, North Daanghari, at San Miguel upang ibayong mapaglingkuran ang mga residente ng TaÂguig.
Ang proyektong ito ng administrasyong CaÂye tano ay naglalayong i-decongest ang Taguig Pateros District Hospital (TPDH). Ang mas kumpliÂkado at kritikal na mga kaso ay tuluyan ng ipinauubaya sa TPDH.
Magsisilbi ang Super Health Center na maliit (mini) na ospital dahil bukod sa bukas ito 24-oras ay angkop din ang mga kagamitan at pasilidad nito para sa iba’t ibang pangangaÂilaÂngang medikal tulad ng laboraÂtoryo, dental services, breastÂfeeding services, lying-in o pa nganganak at ambulansiya. Hindi na rin kailaÂngan pa ang card para makakuha ng serbisyo at atensiyong medikal.
Naniniwala si Mayor Lani Cayetano na ang mamamayang pinangaÂngalagaan ang kalusuÂgan ay magiging mas proÂduktibo at magkakaroon ng mas mataas na antas ng pamumuhay.
- Latest