Parak pa niratrat

MANILA, Philippines - Isang kagawad ng Que­zon City Police District (QCPD) ang sugatan makaraang tam­ ba­ngan ng riding in tandem habang ang una ay sakay ng kanyang kotse papasok sa kanyang trabaho sa lungsod, kahapon ng umaga.

Nakilala ang biktima na si PO3 Gerardo Granado­, 42, nakatalaga sa CIDU-QCPD warrant section at residente sa Pangarap Village sa lungsod.

Si Granado ay ino­ob­ serbahan ngayon sa East Avenue Medical Center dahil sa dalawang tama ng bala sa kanyang kanang balikat.

Sa imbestigasyon, lu­militaw na ang mga suspect ay sakay ng isang motorsiklo na kapwa nakasuot ng itim na helmet at itim na jacket nang tam­bangan ang biktima. Nangyari ang insidente sa harap ng Tajuna Fu­neral homes na ma­­tatag­puan sa kaha­baan ng Litex Road, Brgy. Common­wealth ganap na alas-6:40 ng umaga.

Diumano, sakay ng kan­yang minama­nehong Toyota FX (TSY-202) ang biktima patungo sa Camp Karingal para mag-duty nang masalubong nito ang isang motorsiklo sakay ang mga armadong suspect.

Dito ay bigla na lamang umanong pina­ulanan ng bala ang bik­tima na agad na tinamaan sa balikat.

Gayunman, kahit na sugatan, nagawa ng biktima na makababa ng kan­yang sasakyan at gu­manti ng putok subalit mabilis na nakalayo sa lugar ang mga suspect.

Show comments