^

Metro

Driver hinoldap na, taxi tinangay pa

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Doble kamalasan ang sinapit ng isang taxi driver dahil bukod sa nata­ngay na ang kinita sa buong magdamag na pamamasada, tina­ngay pa ng dalawang armadong lalaki ang kanyang pinapasadang taxi matapos siyang holdapin sa lungsod Quezon kamakalawa.

Wala nang nagawa pa si  Joven Caracena, 23, kung hindi ang mag­hain ng reklamo sa pulisya matapos ang nasabing pangyayari.

Ayon kay Caracena, dalawang ar­madong suspect ang tumangay sa kanyang pinapasadang taxi na Toyota Vios na kulay puti at may tatak na “Balat and Fe” (UVA-646).

Nangyari ang insidente sa may Philand Drive, Brgy. Pasong Tamo, ganap na alas-11:40 ng gabi.

Bago ito, nagkunwari umanong pa­sahero ang mga suspect at sumakay sa biktima kung saan pagsapit sa nasa­bing lugar ay biglang nagdeklara ng holdap gamit ang patalim at baril.

Kinuha ng isang suspect ang kinita ng biktima na halagang P2,000. Hindi pa nakuntento, puwersahang pinababa ng mga suspect ang biktima sa kanyang taxi, saka kinomando ng isa sa mga una ang manibela at pinaharurot ito papalayo sa nasabing lugar.

Sa kasalukuyan, ang kaso ay iti­nurn-over na ng PS3 sa Anti-carnapping unit ng QCPD sa Camp Karingal para sa masusing imbestigasyon.

AYON

BALAT AND FE

BRGY

CAMP KARINGAL

CARACENA

JOVEN CARACENA

PASONG TAMO

SHY

TOYOTA VIOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with