MANILA, Philippines - Isang 19-anyos na babae ang nasawi matapos na tamaan ng bala ng baril ng riding in tandem na dapat sanay para sa kanyang nobyo habang naglalakad ang mga ito kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.
Patay na nang idating sa ospital ang biktimang si Marjorie Carvajal, ng Isal San Juan St., Gagalangin, Tondo sanhi ng tinamong tama ng bala sa dibdib.
Arestado naman ang mga suspect na sina Anjo Pareja, 24, at Ogie Diaz,(hindi ang TV host) o mas kilala bilang Ogie Negro, miyembro ng Sputnik Gang at residente ng Dagupan Extension Tondo.
Dakong alas -3 ng madaling araw ng maganap ang insidente sa panulukan ng Dagupan at HerÂmosa Sts. sa Tondo habang naglalakad sina CarÂvajal at kasama ang nobyong si Richard Garcia.
Dito napuna ni Garcia na sinusundan sila ng mga suspect na magka-angkas sa motorsiklo.
Nang matapat sa kanila ang magka-angkas ay kinausap ng mga suspect si Garcia na magkaÂkilala pala. Nabatid na pinakiusapan at pinangakuan umano ni Garcia ang suspect na si Diaz na baÂbayaran sa inutang na P5,000.
Subalit putok ng baril ang isinagot ng mga suspect na tumama kay Carvajal.