BIR office dinagsa ng mga PBA players

MANILA, Philippines - Nagmistulang basketball court ang tanggapan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Diliman Quezon City matapos na dumagsa ang mga PBA players na dumalo sa isinagawang tax forum kahapon. Ayon kay Deputy Commissioner of Internal Revenue (DCIR) Nelson M. Aspe, pinaalalahanan ng ahensya ang mga professional basketball players sa kanilang tungkulin at obligasyon bilang isang professional income earners/taxpayers laluna sa pagpa- file ng kanilang  returns at pagbabayad ng tamang buwis sa pamahalaan. Anya, pinayuhan din nila ang mga manlalaro na kumuha ng isang legitimate/accre­dited tax practitioners upang mangasiwa sa kanilang tax transactions sa BIR. Bukod dito, pinayuhan din ang mga PBA players na bayaran ang buwis sa pamamagitan ng tseke sa halip na cash para matiyak na ang kanilang bayad ay diretso sa Bureau of Treasury at maiwasan ang anumang  diversion ng pera sa ibang accounts.

 

Show comments