^

Metro

NCRPO dumipensa sa sindikato na dumudukot sa mga paslit

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Itinanggi kahapon ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) na may organisadong sindikato na nandudukot ng mga paslit sa Kamaynilaan kasabay ng mu­ling kumalat na text message ukol dito.

Ito ay kasunod ng pagka­matay ng isang apat na taong gulang na bata sa Pililia, Rizal at pagkawala ng dalawang bata sa lungsod ng Taguig at isa sa Quezon City.

Sinabi ni NCRPO Director Leonardo Espina na kung totoong may sindikatong nandurukot ng mga bata ay mas marami ang bilang ng mga batang nawawala.

Sa inilabas na talaan ng NCRPO na noong nakaraang taon, 38 lamang ang mga batang nawawala, 36 dito ay naibalik sa kani-kanilang pamilya dahil naglayas lamang, habang ang iba naman ay kung saan-saan lamang nakarating dahil sa paglalaro.

Maaari umano na posib­leng kapabayaan din ng mga magulang o kaya ay sinasaktan o inaabuso ang mga bata kaya nakakaisip na maglayas ang mga ito.

Inatasan naman ni Espina si Sr. Supt. Arthur Felix Asis, hepe ng Taguig Police, na tutukang mabuti ang kasong pagkawala ng dalawang bata na sina James Naraga, 3-taong gulang at Dayne Buenaflor, 4-anyos, na magdadalawang linggo nang nawawala.

Samantala, nais din ng publiko na tutukan ng NCRPO ang posibleng sindikato ng mga pulubing bata sa Maynila na sumasampa sa mga pampasaherong jeep, kumakanta, at nanghihingi ng limos gamit ang sobre.  Bukod sa ma­aaring inaabuso ang mga bata, lantad din sa panganib sa kalsada ang mga paslit na humahabol at sumasabit sa mga jeep.

ARTHUR FELIX ASIS

BATA

DAYNE BUENAFLOR

DIRECTOR LEONARDO ESPINA

JAMES NARAGA

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

QUEZON CITY

SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with