1 oras na ‘heat stroke break’, ipinatupad ng MMDA
MANILA, Philippines - Inumpisahang ipatupad ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang isang oras na break para sa kanilang mga tauhan na nasa kalsada upang makaiwas sa heat stroke ngayong panahon na pinakamatindi ang sikat ng araw.
Epektibo ang “heat stroke break†hanggang Mayo 31 kung kailan inaasahan na papasok na ang panahon ng tag-ulan. Itinakda ito mula ala-1:30-2:00 ng hapon at 2:30-3:00 ng hapon na itinuturing na pinakamainit na bahagi ng isang araw. Mapapakinabangan ito ng mga traffic constables at street sweepers ng ahensya.
Ipatutupad ito sa pamamagitan ng “rotation basis†upang may matitira pa ring tauhan sa kalsada at sa kanilang mga puwesto. Bibigyan din ang mga ito ng espesyal na allowance at bottled water panlaban sa init.
Inilipat din sa night shift duty ang mga tauhan na wala sa kundisyon ang kalusugan at may rekord ng dating pagkakasakit.
Noong nakaraang taon, isang traffic enforcer ang nasawi habang naka-duty dahil sa heat stroke. Ayaw na umanong maulit ito ng pamunuan ng MMDA.
- Latest