Obrero binoga sa ulo

MANILA, Philippines - Utas ang isang obrero  matapos barilin sa ulo ng hindi pa kilalang suspect kamakalawa sa Malabon City.

Dead-on-the-spot sanhi ng tatlong tama ng bala sa ulo ang biktimang si Artemio Garcia, 36, ng Hernandez St., Brgy. Catmon ng naturang  lungsod.

Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-4:35 ng hapon sa Flovi Homes, Phase 6, Brgy. Tonsuya ng naturang lungsod habang ang biktima ay naglalakad sa lugar nang pagbabarilin ito ng suspect.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspect. Ina­alam pa ng pulisya kung sino at kung ano ang motibo sa naganap na krimen.

 

Show comments