Driver dinedo sa loob ng pinapasadang tricycle

MANILA, Philippines - Dinedo sa loob mismo ng pinapasada niyang tricycle ang isang driver  sa Caloocan City kamakalawa ng gabi. Dead-on- the spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Remegio Reyes, 34,  ng Chrysanthemum St., Camarin ng naturang lungsod. Naganap ang insidente dakong alas-6:00 ng gabi sa loob ng pinapasadang tricycle ng biktima, na nakaparada sa Dama de Noche St., Amparo Subdivision ng naturang lungsod. Nabatid na nagpapahinga ang biktima sa loob ng kanyang tricycle nang lapitan ng suspect at walang sabi-sabi  pinagbabaril, na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan. Matapos ang pamamaril ay kaagad na tumakas ang suspect.Iniimbestigahan pa ng pulisya ang insidente.

Show comments