2 biktima ng salvage, itinapon sa Maynila

MANILA, Philippines - Dalawang pinaniniwala­ang bikima ng summary execu­tion ang natagpuan sa kalye  sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Indikasyong pinatahimik ang dalawang biktima na inilarawang nakatali ang mga paa at kamay at nababalot pa ng packaging tape ang mukha.

Isa ang tinatayang may edad sa pagitan ng 25-30, may taas na 5’4’’, may tattoo­ na Bahala na Gang, nakasuot ng kulay blue na shorts,  dilaw­ na t-shirt, puting boxer shorts sa loob,  habang ang isa ay may edad sa pagitan ng 40-45,  may taas na 4’11’’,  payat ang pangangatawan, may tattoo na Sputnik Gang sa katawan, nakasuot ng itim na shorts na may puting stripes,  dilaw na t-shirt at puti ang panloob na  boxer shorts.

 Sa ulat ni PO3 Milbert Balinggan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-3:00 ng madaling-araw nang ma­diskubre ang mga bangkay  sa Dimasalang St., sa pagitan ng Quintos at Kundiman Sts., Sampaloc.

Bago ito,  isang di napla­kahang sasakyan ang tumigil sa nasabing lugar kasunod ng putok ng baril hanggang sa ibaba ang sakay nitong dalawang lalaki at mabilis na nagsitakas.

Tinadtad ng tama ng bala ng baril ang mga katawan ng dalawang biktima.

 

Show comments