^

Metro

Mag-asawang Rasuman, nagkita sa kulungan

Ludy Bermudo at Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inilipat na kahapon  mula sa piitan ng Pasay City Police District patungo sa National Bureau of Investigation (NBI) ang naarestong misis ni Coco Rasuman, utak sa isa sa pinakamalaking investment scam sa bansa.

Kahapon ay itinurn-over ni Pasay Police chief Senior Supt. Rodolfo Llorca sa NBI si Princess Aliah Tomawis Rasuman, na sinuotan pa ng bullet proof vest at Kevlar helmet sa pagbiyahe dahil sa banta sa buhay nito.

Dahil dito, naghigpit ng seguridad ang NBI sa pag­lipat ni Rasuman sa NBI-Main sa Taft Avenue, sa Ermita, Manila.

Ngayong kapwa nasa kos­tudiya na ng NBI ang mag-asawang Rasuman, sinabi ni Rod Macoy, head ng NBI Security Management division kaya mas dobleng higpit na seguridad ang kanilang gagawin dahil sa dami ng nagbabanta sa buhay ng mga ito mula sa mga naging biktima ng kanilang investment scam, kabilang na ang mga nabiktima sa Marawi City.

Napag-alaman na si Princess Rasuman ay sinasabing naging secretary ng kanyang asawa sa investment na umano’y nakakolekta ng halos nasa P300 milyon sa mga biktima noong 2011 hanggang 2012.

Si Rasuman ay nadakip sa inilatag na operasyon ng grupo ni  C/Insp. Ernesto Eco Jr., hepe ng Pasay City Special Operations Unit sa isang bahay sa Commonwealth Avenue sa lungsod ng Quezon,  matapos umanong  makatanggap ng tip, gamit ang  warrant of arrest sa kasong syndicated estafa.

 

COCO RASUMAN

COMMONWEALTH AVENUE

ERNESTO ECO JR.

MARAWI CITY

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PASAY CITY POLICE DISTRICT

PASAY CITY SPECIAL OPERATIONS UNIT

PASAY POLICE

PRINCESS ALIAH TOMAWIS RASUMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with