^

Metro

UNA bets inindorso ng House opposition

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Personal na inindorso ng oposisyon sa Kamara ang mga kandidato ng United Nationalist Alliance (UNA) sa lalawigan ng Quezon.

Sa ginanap na campaign rally sa Quezon Convention Center, personal na inindorso ni House Minority Leader Danilo Suarez sa mahigit 20,000 katao ang siyam na kandidato ng UNA sa pangunguna ni Zambales Rep. Milagros “Mitos” Magsaysay na kanyang deputy minority leader sa Kamara.

Hiling ni Suarez sa kanyang mga kababayan dapat na unang isulat sa balota ng mga taga Quezon si Magsaysay dahil ito ang kanyang “doberman” sa Kamara.

Ito ay dahil sa tuwing may kasamahan siya sa Senado na gustong banatan ay hindi niya ito magawa subalit si Magsaysay lamang ang tumitira sa mga ito.

Bukod dito si Magsaysay din umano ang isa sa apat na Kongresista na walang tinatanggap na pork barrel sa Kamara subalit ginagamit ang sariling pera para lamang sa programa nitong edukasyon at pang kalusugan.

Ipinakiusap din ni Suarez sa kanyang mga kababayan sina Rep. Jack Enrile, Sen. Gringo Honasan, Rep. JV Ejercito, Tingting Cojuangco, Nancy Binay at Vice-President Jejomar Binay na inindorso rin nito bilang susunod na pangulo sa 2016.

vuukle comment

GRINGO HONASAN

HOUSE MINORITY LEADER DANILO SUAREZ

JACK ENRILE

KAMARA

MAGSAYSAY

NANCY BINAY

QUEZON

QUEZON CONVENTION CENTER

SUAREZ

TINGTING COJUANGCO

UNITED NATIONALIST ALLIANCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with