^

Metro

City hall employee, timbog sa kotong

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI ) ang isang  empleyado ng Manila City Hall matapos umanong mangikil sa isang  aplikante para sa karagdagang building permit sa Arroceros, Maynila.

Mismong sa  tanggapan ng  Department of Engineering and Public Works  ng city hall dinakip si Arsenia  L. Panlilio,  alias Bec Panlilio, 43, biyuda,   Administrative Aide VI bunsod na rin ng reklamo ni Sunshine Mae Pelicano noong Pebrero 2013 sa NBI Anti-Graft Division.

Nabatid na nag-aapply umano  ng building permit si Pelicano  dahil sa  dagdag na construction sa  ikatlong deck levels ng kanyang gusali sa Sta. Ana, Maynila at sinabihan siya ni Inspector Neptali Talastas na meron siyang  nagawang paglabag.

Dahil dito ay nagtungo  si Pelicano  sa city hall at inalam kung  paano maaayos ang kanyang nagawang paglabag. Sinabihan umano siya ni  Panlilio  na kailangang magbayad ng P15,000 para sa  soil test, structure at design. Humingi siya ng official receipt pero tumangging mag-isyu si Panlilio.

Noong Pebrero 25, 2013, nagpunta muli si Pelicano sa city hall at hinanap niya si Panlilio  ngunit  nanghingi  muli ng karag­dagang P20,500, na ang   P10,500 ay para umano  sa sanitary inspection at ang  P10,000 ay para umano kay Talastas at kung hindi umano siya makapagbibigay ay magpapataw umano ng karagdagang penalty si Talastas.

Dahil dito ay tumangging magbigay si Pelicano dahil wala namang binibigay na resibo si Panlilio.

Dito na humingi ng tulong si Pelicano sa NBI noong Marso 26 para maghain ng reklamo at kaagad naman nagplano ng entrapment operation.

Muling kinausap ni Pelicano si Panlilio at nagkasundo ang dalawa na dalhin sa opisina ng huli sa Room 334 ng  Manila City Hall building ang P20,500 at sa aktong hawak ni Panlilio ang marked money ay inaresto ito ng NBI.

ADMINISTRATIVE AIDE

ANTI-GRAFT DIVISION

BEC PANLILIO

DAHIL

DEPARTMENT OF ENGINEERING AND PUBLIC WORKS

INSPECTOR NEPTALI TALASTAS

MANILA CITY HALL

PANLILIO

PELICANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with