MANILA, Philippines - Arestado ng Manila Police District-Anti Carnapping Unit ang isang broker at dalawang pahinante sa isinagawang follow up operation sa Tondo, Maynila kung saan nabawi ang may P.5 milyong halaga ng Fukoda electric fan na hiÂnayÂdyak kamakalawa sa Trece Martires, Cavite.
Ayon kay Senior Insp. Rizalino Ibay, hepe ng MPD-ANCAR, una umanong nagÂreklamo sa kanilang tanggapan si Erlinda Villaflor, ng Techstrong Corporation laban sa kanyang dalawang pahinante na sina Rolly Magos at Dexter Garcia, gayundin sa kanyang truck driver na si Jose Morena na nakipagsabwatan para itakbo ang kargamento ng kanyang minamanehong Isuzu six wheeler cargo truck (RLR-395) na nakarehistro sa Techstrong Corporation kamakalawa.
Sa isinagawang follow-up operation, unang naaresto si Magos sa Delpan,Tondo dakong alas-9:30 ng gabi, sinundan ni Garcia.
Itinuro naman ng dalawang naaresto na nasa Molino, Cavite ang mga hinaydyak na electric fan at doon naman naaresto si Angeli Ginoo, na siyang umaktong broker at nagsaayos ng transaksiyon para maibenta kay Dharish Kohil ang mga nakaw na electric fan.
Isinuko naman ni Kohil ang kargamento sa MPD, at idinahilan nito na siya ay “in good faith†nang makipagtransaksiyon kay Ginoo na bibilhin niya sa halagang P300,000 ang kargamento.
Sinampahan naman ng kasong qualified theft at carnapping sina Magos at VillaÂgracia, habang si Ginoo ay kinasuhan nang paglabag sa Anti-carnapping law.
Habang si Morena naman ay kinasuhan rin ng Qualified theft at anti carnapping at anti-fencing naman kay Angelito Ginoo, kapatid ni Angeli na nakipagsabwatan rin sa pagbebenta ng hinaydyak na electric fan.