^

Metro

Broker, 2 pahinante, timbog sa haydyak

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ng Manila Police District-Anti Carnapping Unit  ang isang broker at dalawang pahinante sa isinagawang follow up operation  sa Tondo, Maynila kung saan nabawi ang  may P.5 milyong halaga ng Fukoda  electric fan na hi­nay­dyak kamakalawa sa  Trece Martires, Cavite.

Ayon kay Senior Insp. Rizalino Ibay, hepe ng MPD-ANCAR, una umanong nag­reklamo sa kanilang tanggapan si Erlinda Villaflor, ng Techstrong Corporation laban  sa kanyang dalawang pahinante na sina Rolly Magos at Dexter Garcia, gayundin sa kanyang truck driver na si Jose Morena na nakipagsabwatan para itakbo ang  kargamento ng kanyang minamanehong Isuzu six wheeler cargo truck (RLR-395) na nakarehistro sa Techstrong Corporation kamakalawa.

Sa isinagawang follow-up operation, unang naaresto si  Magos sa Delpan,Tondo dakong alas-9:30 ng gabi, sinundan ni Garcia.

Itinuro naman ng dalawang naaresto na nasa Molino, Cavite ang mga  hinaydyak na electric fan at doon naman naaresto si Angeli Ginoo, na siyang umaktong broker at nagsaayos ng transaksiyon para maibenta kay Dharish Kohil ang mga nakaw na electric fan.

Isinuko naman ni Kohil ang kargamento sa MPD, at idinahilan nito na siya ay “in good faith” nang makipagtransaksiyon kay Ginoo na bibilhin niya sa halagang P300,000 ang kargamento.

Sinampahan naman ng kasong qualified theft  at carnapping sina Magos at Villa­gracia, habang si Ginoo ay kinasuhan nang  paglabag sa Anti-carnapping law.

Habang si Morena naman ay kinasuhan rin ng Qualified theft at anti carnapping at  anti-fencing naman kay  Angelito Ginoo, kapatid ni Angeli na nakipagsabwatan rin sa pagbebenta ng hinaydyak na electric fan.

ANGELI GINOO

ANGELITO GINOO

CAVITE

DEXTER GARCIA

DHARISH KOHIL

ERLINDA VILLAFLOR

GINOO

TECHSTRONG CORPORATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with