Mainit na panahon, magpapatuloy – PAGASA

MANILA, Philippines - Patuloy na makakaranas ang publiko ng maalinsa­ngang panahon.

Ayon kay Leny Ruiz, weather forecaster  ng PagA­sa, ang init ng pa­nahon sa ngayon ay maaari  pang umabot ng 40 degrees­ Celsius mula 38 degrees at magpapatuloy pa  ang ma­init na panahon sa mga susunod  na araw lalo na sa Tuguegarao City sa Cagayan Valley­ dulot ng hangin mula sa silangan ng karagatang pasipiko o easterlies.

Bukod anya sa Tuguegarao ay makararanas din ng pinaka-mainit na tem­pera­tura ang Subic sa Zambales, Cabanatuan, at Cavite.

Kamakalawa lamang, naitala sa Tuguegarao City ang 36.5 degrees celsius  na temperatura at nakaranas din ng 36.6 ang Subic na mas matindi kumpara sa Metro Manila na nakapagtala lamang ng 34.4°C.

Huling naitala ang pinaka-matinding init sa Tuguegarao City noong Mayo 11, 1969 nang mairehistro ang 42.2 degrees celsius.

 Bunsod ng matinding init, pinapayuhan ng Pag­Asa ang publiko na ugaliing uminom ng tubig para makaiwas sa atake dulot ng matinding init  at magdala ng pananggalang sa sikat ng araw  tulad ng mga balabal, sombrero, payong kung lalabas ng bahay upang maprotektahan ang sarili sa matinding init ng panahon.

 

Show comments