^

Metro

Motorsiklo vs jeep: Paslit patay, magulang sugatan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 7-taong gulang na batang lalaki ang nasawi makaraang sumalpok ang sinasakyang motorsiklo kasama ang pamilya sa isang pampasaherong jeep, kahapon ng madaling-araw sa Pasig City.

Kinilala ng pulisya ang nasawing bata na si Justin Formilles.

Kritikal naman at isinugod sa Pasig City General Hospital ang ama nitong si Simporiano Formilles Jr., 36; at misis na si Jemma, 38.  Ligtas naman sa panganib makaraang magtamo ng galos lamang sa katawan ang 8-anyos na isa pang anak ng mag-asawa na si Viance.

Sa ulat ng Pasig City Police-Traffic Division, dakong alas-3 ng madaling-araw nang maganap ang aksidente sa kahabaan ng Eastbank Road, Floodway, Brgy. Sta. Lucia, ng naturang lungsod.

Nabatid na lulan ang  pamilya Formilles sa isang motorsiklo nang mabundol ng isang rumaragasang pampasaherong jeep (EFY-490).  Tumilapon ang apat na sakay ng motor kung saan agad na nasawi si Justin na walang suot na helmet.

May suot naman na helmet ang mag-asawang Formilles ngunit napuruhan din sa kanilang pagbagsak sa kalsada.  Masuwerte namang bumagsak sa katawan ng mga magulang ang anak na si Viance kaya galos lamang ang tinamo nito.

Agad namang tumakas ang nakabanggang driver nang paharurutin ang kanyang jeep.  Patuloy na ngayong inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng naturang driver sa pama­magitan ng pakikipag-ugnayan sa Land Transportation Office (LTO) upang madakip ito at mapanagot sa kanyang krimen.

vuukle comment

EASTBANK ROAD

FORMILLES

JUSTIN FORMILLES

LAND TRANSPORTATION OFFICE

PASIG CITY

PASIG CITY GENERAL HOSPITAL

PASIG CITY POLICE-TRAFFIC DIVISION

SIMPORIANO FORMILLES JR.

VIANCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with