MANILA, Philippines - Apat na kalalakihang pinaniniwalaang miyembro ng sindikato ng illegal na droga ang bumulagta maÂtapos na makipagpalitan ng putok sa mga tauhan ng Manila Police District-Baseco Police Community Precinct, kahapon ng tanghali.
Dead-on-the-spot ang mga suspect na dalawa dito ay kinilalang sina Ato Mohammad, 36; at Alvin Pilas, 19, kapwa residente ng Blk.7, Lot 80, Baseco Compound, Port Area, Maynila habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawa pa na dayo lamang sa lugar.
Narekober sa kanilang posesyon ang dalawang kalibre ng .45 baril at dalawang .38 caliber na ginamit sa pakikipagpalitan ng putok sa grupo ng Baseco PCP na pinamunuan ni C/Insp. Nicolas Piñon.
Agaw-buhay naman ang nasa panig ng mga awtoridad na si Junrey Cabual, 35, barangay tanod ng Brgy. 649, Zone 68, sa ilalim ng pamunuan ni Brgy. Chairman Kristo Hispano. Nabatid na nagtamo ng bala sa tiyan na tumagos sa likurang bahagi ng biktima kaya kritikal ito at nilalaÂpatan ng lunas sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center.
Sa panayam kay Piñon, dakong alas-10:00 kamaÂkalawa ng gabi nang may magbarilang kalalakihan sa nasabing lugar kaya rumesponde ang kanilang pwersa sa pamumuno ni MPD-Station 5 P/Supt. Ferdinand Quirante, na inabot ng madaling-araw sa isinagawang follow-up operation subalit hindi natunton ang mga suspect.
Kahapon ng umaga ay may nagbigay ng impormasyon sa tanggapan ni Piñon na bumalik na ang grupo ng mga suspect kaya agad silang nagtungo sa lugar, kasama ang mga tauhan ng nasabing baÂrangay, malapit sa Aplaya.
Dakong alas-11:10 nang sila ay dumating sa lugar subalit agad umano silang pinaputukan ng mga kalalakihan kaya nagkaroon ng engkwentro.
Natagpuan din ng mga awtoridad ang mga drug paraphernalias na hinihinalang gamit sa pagbebenta ng iligal na droga sa lugar.
Nabatid din na may daÂlawang batang natamaan ng ligaw na bala kamaÂkalawa ng gabi nang may barilin ang mga suspect na isang lalaking hindi pa tukoy ang pangalan.
Kinilala ang dalawang biktima ng stray bullet na sina Gabz Gabinete, 10; at Arnie Legato, 8, residente ng lugar.