Peace and order sa Marikina paiigtingin ng mga Bgy. officials

MANILA, Philippines - Bunsod na rin ng laganap na krimen  sa iba’t ibang panig ng bansa, priyoridad ngayon ni dating Marikina Vice Mayor Dr. Marion  Andres na palawakin ang mga magpapatupad ng  peace and order sa lungsod.

Ayon kay  Andres, nakikita niya ang  kakulangan ng  pagmementina ng pulisya sa peace and order kung kaya’t  nais niyang  maging bahagi nito ang mga barangay officials  at kagawad.

Paliwanag ni  Andres, ang mga barangay official ang siyang  nakakakilala sa kanyang nasasakupan gayundin ang  mga lugar na pugad ng away.

Sinabi ni Andres na dapat na  mas masigasig ang mga barangay officials na  tumulong sa mga pulis upang maiwasan ang anumang mga karumal-dumal na krimen.

Gayunman, sinabi ni Andres na kailangan ding may sapat na  kagamitan ang mga barangay officials  bilang pananggalang sa anumang mga uri ng  krimen. Matatandaan, isa din ang  usapin ng  droga sa pinagtuunan ng pansin ni  Andres kung kaya’t nabawasan noon ng 60 porsiyento ang mga itong gumagamit ng droga noong siya pa ang vice chairman ng Peace and Order  Council ng lungsod ng Marikina.

Ang peace and order at pagsugpo sa iligal na droga ay ilan lamang sa mga programa tinututukan ni Andres.

 

Show comments