Mag-live-in partner todas sa pamamaril

MANILA, Philippines - Kapwa  patay ang mag-live-in partner matapos makitaan ng tama ng bala ng baril sa kanilang ulo at leeg  kamakalawa ng umaga sa Caloocan City.

Dead-on-the-spot sanhi ng tama ng bala sa noo ang biktimang si Elmer Quimbao, 34,  negosyante ng unit 19 PU apartment, Camarin ng naturang  lungsod habang dead on arrival naman sa Nodado General Hospital sanhi ng tama ng bala sa leeg  ang live-in partner nitong si  Auravi Benolirao, 34.

Inaalam pa ng pulisya kung sino ang responsable sa pamamaril sa mga biktima.

Sa ulat ng Caloocan City Police, naganap ang insidente  dakong alas-11:30 ng umaga sa loob ng kanilang tinitirahan sa nabanggit na lugar.

Nabatid, na nagtatalo ang mag-live-in sa inuupahan kuwarto nang makarinig ng putok ng baril ang mga katabing kuwarto.

Nang puntahan ay nakitang naglalakad sa pasilyo ang babae hanggang sa mawalan ng malay dahil sa tama ng bala.

Nakita naman wala ng buhay si Quimbao sa may sala, kung kaya’t  si Benolirao na lang ang dinala sa nabanggit na ospital ng kanyang mga kapitbahay.

Inaalam na ng mga pulis kung may ibang tao sa loob ng kuwarto kung saan nagsasagawa na mala­limang imbestigasyon ang hinggil sa insidente.

 

Show comments