Ayaw kumain ng baboy: Binata huli sa pagnanakaw ng sardinas

MANILA, Philippines - Dahil sa mahal na araw at bawal kumain ng karne ng baboy, napilitang magnakaw ng mga delatang Tuna sardines ang isang binata sa isang convenient store, pero mi­nalas na maaresto kamakalawa ng gabi sa
Mandaluyong City.

Kinilala ang suspect na si Bienvenido Ambrocio, 23, residente ng Block 37 Welferville Compound, Brgy. Addition Hills sa nabanggit na  lungsod.

Ayon kay Herminio Quisay, security guard ng Mini-Stop sa World Wide Corporate Center sa Shaw Blvd., Manda­luyong City, ganap na alas-9:50 ng gabi nang pumasok sa nasabing  tindahan ang
suspect.

Palinga-linga uma­no ito at umikot sa loob ng tindahan at nang walang tumitingin sa kanya ay mabilis na kumuha ng 10 delatang Tuna sardines saka isinilid sa loob ng kanyang bag at lumabas ng convenient store.

Mabilis naman itong hinabol ng sekyu at tiningnan ang loob ng kanyang bag at doon natuklasan ang mga ninakaw na mga delata.

Ipinagharap na ng kaso ni Catherine Tersino, representative at Officer-In-Charge (OIC) ng Mini-Stop sa lugar ang suspect na ngayon ay nakakulong pa sa Mandaluyong City police jail.

Sa himpilan ng pu­lisya ay inamin ng suspect na wala silang pang-ulam kaya’t  sardinas ang kanyang mga kinuha lalo pa’t bawal ang kumain ng  karne ngayong Mahal na Araw.

Show comments