Koreano natagpuang patay sa tangke ng tubig
MANILA, Philippines - Masusing imbestigasyon ang isinasagawa ngayon ng pulisya hinggil sa pagkamatay ng isang Koreano na natagpuan sa loob ng tangke ng tubig kamakalawa sa Parañaque Cty.
Bukod sa naaagnas na katawan, ang maÂbahong amoy ang naÂging daan upang madiskubre ang bangkay ni Kim Ji Hun alyas “John Kimâ€, 38, ng #8V Avida Tower 5, Brgy. San Dionisio, Parañaque City.
Ayon kay Sr. Supt. Andrei A. Felix, hepe ng Parañaque City PoliceÂ, dakong alas-3:00 ng hapon nang matagpuan ng maintenance crew na si Rogelio Mercado ang bangkay ng biktima sa loob ng water depository tank ng Avida Tower 5 sa nabanggit na lugar.
Aayusin sana ni Mercado ang tangke dahil sa kakaibang lasa ng tubig, nang mapansin nito ang umaÂalingasaw na mabahong amoy.
Dito niya nadisÂkubre ang bangkay ng dayuhang biktima na nasa loob ng naturang tangke.
Agad na ipinagÂbigay-alam ni Mercado sa mga awtoridad ang insidente at nakilala lamang ang biktima sa pamamagitan ng Pinay na live-in partner nito na si Normelita Taguin.
Ayon pa kay Felix, dakong alas-11:00 na ng gabi nang maiahon ang bangkay ng biktima dahil sa nakakaÂsulasok na amoy nito.
Aalamin ng pulisya kung may foul play sa pagkamatay ng Koreano lalo pa’t nakita sa CCTV na nagtaÂtakbo ito bago natagpuÂang patay.
- Latest