MANILA, Philippines - Sasamantalahin ng pamahalaan ang mahabang bakasyon at inaasahang kokonting sasakyan ngayong Semana Santa sa pagkukumpuni ng mga pangunahing lansangan sa Kamaynilaan.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nag-abiso na ang Department of Public Works and Highways sa mga gagawing pagkukumpuni mula ngayong Maundy Thursday hanggang Easter Sunday.
Kabilang sa mga kalsadang magsasagawa ng pagkukumpuni ay sa EDSA-Caloocan City, northbound lane mula Asuncion Street hanggang MCU Hospital (Lane 6) at southbound lane mula Benin Street hanggang Ubrano Plata Street.
SA EDSA-Quezon City, ikalimang lane ng EDSA northbound mula Congressional Avenue hanggang Access Road at ika-limang lane ng EDSA south-bound mula Cloverleaf hanggang Oliveros Street; EDSA Mandaluyong City, north-bound lane hanggang dulo ng underpass sa south-bound lane.
EDSA Makati City, north-bound lane mula Estrella footbridge hanggang Guadalupe Bridge at south-bound segment mula Guadalupe Bridge hanggang San Carlos Seminary. EDSA-Pasay City, malapit sa pedestrian overpass sa Dela Cruz Extension sa harap ng BLTB at Victory Liner bus terminals.
Ilan pang pangunahing kalsada na magsasagawa ng pagkukumpuni ay sa Nicanor Reyes Street sa Sampaloc, Manila mula C.M. Recto hanggang España; San Marcelino Street, Manila mula Remedios hanggang President Quirino Avenue; North Avenue (west-bound) sa harap ng SM North EDSA at center lane ng crossing ng Mindanao at North AvenueÂ, Quezon City; unang lane ng southbound portion ng Mindanao Avenue, Quezon City mula Road 8; at north-bound ng Fairview Avenue, Quezon City mula Mindanao Extension hanggang Milano Drive (fourth lane).
Pinayuhan ng MMDA ang mga motorista na mananatili sa Metro Manila at bibiyahe na umiwas sa naturang mga kalsada upang hindi makaranas ng mabigat na trapiko ngayong Semana Santa.