Lalaki isinilid sa plastic ng basura

MANILA, Philippines - Isang bangkay ng hindi pa kilalang lalaki ang natagpu­ang nakasilid sa itim na trash bag  sa Tondo, Maynila,  kahapon ng madaling-araw.

Inilarawan ang biktima na may taas na 5’2’’, mahaba ang buhok, payat ang panga­ngatawan, may tattoo na “Just God can save me” sa dibdib at “Nazareno” sa likod ng katawan.

Dakong alas-5 ng umaga­ nang madiskubre  ang bangkay sa harapan ng Smokey mountain sa Tondo, Maynila.

Sinabi ni Brgy. Kagawad Danilo dela Cruz, ng  Brgy. 126,  Zone 10, habang nagpapatrulya sila sa lugar ay itinuro sa kanila ng isang  residente ang itim na plastik na kahina-hinala umano ang laman.

Nang puntahan ng grupo ni Dela Cruz ay nakita na may  patay na lalaki  sa loob ng trash bag kaya inireport sa pulisya.

May nakitang mga pasa sa buong katawan at po­sibleng pinahirapan hanggang sa mamatay ang nasabing lalaki.

 

Show comments