Biktima ng salvage natagpuan sa QC

MANILA, Philippines - Isa na namang bangkay ng lalaki na pinaniniwalaang biktima ng salvage ang itinapon sa isang lugar sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay PO2 Roldan Cornejo, walang nakuhang anumang pagkakakilanlan sa biktima na isinalarawan sa edad na 25-30, payat, may taas na 5’5’’, nakasuot ng kulay gray na t-shirt na may markang Patimar Seal Specialist at itim na maong pants at may heart shape na tattoo sa kaliwang bahagi ng kanyang likod. May marka ng sakal ang biktima na natagpuan  sa may Block 13, Lot 22, Walnut corner Maple St., Brgy. Greater Fairview sa lungsod.

Ayon sa security guard na si Leonardo Ignacio, nagpa­patrulya siya sa nasabing lugar nang mapuna ang isang nakahandusay na lalaki. Nang kanyang tignan ng malapitan ay saka niya nalamang isa na pala itong bangkay kung kaya agad niyang ipinabatid ang insidente sa pulisya.

Show comments