^

Metro

Brgy. Commonwealth, nalubog sa baha

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang halos isang oras na pagbuhos ng ulan kamakalawa ng gabi, nakaranas ng matinding pagbaha ang Purok Uno, Upper Nawasa, Brgy. Commonwealth sa lungsod Quezon dahilan para mangamba ang mga residente nito.

Pero sa kabila nito, ayon kay Roses Sulam, area monitoring officer ng Brgy. Commonwealth, karamihan sa mga residente  ay tumang­ging magsilikas sa halip ay pumanik na lamang sa ikalawang palapag ng kani-kanilang bahay.

Sa pagbuhos ng ulan, ganap na alas -8 kamakalawa ng gabi, bigla rin ang pagtaas ng tubig sa lugar na umabot hanggang anim na talampakan, sabi pa ni Sulam.

Kaya naman marami sa pamilya sa lugar ang naapektuhan hanggang sa tinangkang ilikas ang mga ito para sa kanilang kaligtasan.

Iginiit ng mga residente ang pagbara ng kanilang mga imburnal ang ugat ng nasa­bing pagbaha, kaya naman alas -8 ng umaga kahapon ay agad na nagtulung-tulong ang barangay at mga residente para tanggalin ang bara dito.

Sabi ni Sulam, partikular na nakuha sa nasabing imburnal ang mga gulong ng sasakyan, gayundin ang mga medical waste na basta na lamang umano itinapon dito.

Pasado ala-1 ng hapon nang humupa ang baha.

 

BRGY

IGINIIT

KAYA

MATAPOS

PUROK UNO

ROSES SULAM

SULAM

UPPER NAWASA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with