MANILA, Philippines - Nanawagan si Manila Mayor Alfredo Lim sa mga Manilenyo na isapuso ang diwa ng Semana Santa at iwasan ang pag-inom ng alak na nagiging dahilan ng gulo.
Kasabay nito, inatasan din ni Lim si Manila Police District (MPD) Director Chief Supt. Alex Gutierrez na magsagawa ng round-the-clock patrol partikular sa gabi upang matiyak na ligtas ang mga bahay ng mga nagsiuwi sa kanila-kanilang probinsiya.
Maging ang mga baÂrangay officials ay inoÂobliga rin na magmonitor sa kanilang mga nasasakupan dahil inaasahan ang pagsalakay ng mga kawatan ngayong holiday.
Aniya, magdadaÂlawang-isip ang mga akyat-bahay na pasukin ang mga target na bahay kung nakikita ng mga ito ang pagpapatrolya ng mga pulis at barangay officials.
Sa kabila nito, payo din ng alkalde na mga uuwi ng kanilang proÂbinsiya na mag-iwan ng isang bukas na ilaw subalit dapat na tiyaÂking tanggal ang mga saksakan ng electrical appliances.
Tiniyak naman ni Gutierrez na sapat ang pulis na kanilang ipinakalat partikular sa mga simbahan, mall at parks.