MANILA, Philippines - Naaresto na ng tropa ng Quezon City Police District (QCPD) ang daÂlawa sa pangunahing suspect sa pagpatay sa negosyanteng si Ma. Salud Gatmaitan, pero hindi sa nabanggit na kaso kundi sa kasong illegal possesion of firearms matapos na matiyempuhan ito habang papasakay ng isang taxi sa Tomas Morato Avenue, sa lungsod.
Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) director Sr. Supt. RiÂchard Albano, si Von Bernardo, alyas Jay, 35, at kasamahan nitong si Ariel Cristobal, 30, ay nadaÂkip, ganap na alas-9:30 Sabado ng umaga sa may kahabaan ng Tomas Morato Avenue, Brgy. South Triangle.
Base sa ulat ni SPO3 Rodolfo Rival ng QCPD Station 10 ng Anti-Illegal Drugs, nadakip ang daÂlawa habang nagsasagawa ang routine patrol sa nasabing lugar.
Sinasabing kabababa lang sa tricycle ng mga suspect nang maispatan umano ng mga pulis habang papasakay ng isang taxi at dahil sa kahina-hinalang kilos ng mga ito ay agad silang pinigilan.
Nang kapkapan ng tropa ang mga suspect ay saka narekober sa kanila ang isang kalibre 38 baril na may apat na bala at isang granada.
Dito lumitaw ang pagkakasangkot ni Bernardo ang itinuturong responsable sa pagpatay kay Gatmaitan noong nakaraang Miyerkules ng alas 10:30 ng umaga sa may Barangay Salvacion.
Tanging si Bernardo at isang hindi nakikilalang salarin na kalaunan ay nabatid na si Cristobal ang pumasok sa bahay ni Gatmaitan kung saan ginamit ng una ang gunÂting sa paglaslas ng leeg ng negosyante upang hindi makalikha ng ingay.