^

Metro

11 saksak sa natagpuang bangkay sa QC

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa na namang bangkay ng lalaki  na biktima ng brutal na pananaksak ng pinaniniwalaang serial killer sa kalye ng C. P. Garcia Avenue sa lungsod Quezon, ang natagpuan kahapon ng umaga.

Ayon kay PO3 Erickson Isidro ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police, ang biktima na nagtamo ng halos 11 saksak sa katawan at leeg ay nakilalang si Ronald Espina, 39, may-asawa, at isang fish vendor.

Si Espina ay pangalawa na sa mga biktima na nakikitang may mga tama ng saksak sa katawan sa University Avenue, partikular malapit sa panulukan ng C. P Garcia Avenue, UP Diliman, ayon sa ulat ng CIDU.

Nitong Sabado ng alas 6 ng umaga­, isang Ronel Bayuba, 45, tricycle driver ng Brgy. Krus na Ligas ang natagpuan din sa C. P Garcia Avenue na isang malamig na bangkay at tadtad ng tama ng saksak sa buong katawan.

Ayon kay Isidro, si Espina ay natagpuan sa kahabaan ng University Avenue, malapit sa panulukan ng C. P Garcia Avenue, UP Diliman, ilang kanto ang layo sa naunang biktimang si Bayuba, ganap na alas 6:30 ng umaga.

Isang Ricardo Angeles, ang nakakita sa biktima habang nagkasubsob sa naturang kalye dahilan para agad niyang ipinagbigay alam ito sa awtoridad.

Sinasabing huling nakitang buhay ang biktima ganap na alas-9 ng gabi matapos na magpaalam umano ito sa kanyang kahera na lalabas sandali para makipagkita sa isang kaibigan.

Ayon sa awtoridad, maging ang pera at gamit ng biktima ay nawawala, indikasyon na posibleng holdaper ang may kagagawan ng naturang insidente

Gayunman, naniniwala ang pulisya na maaring ang dalawang insidente ng pananaksak sa lugar ay iisa lamang ang may kagagawan, kung kaya pinag-iingat nila ang publiko kapag dumaraan sa nasabing lugar.

Patuloy ang pagsisiyasat ng awto­ridad sa nasabing insidente.

vuukle comment

AYON

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

DILIMAN

ERICKSON ISIDRO

GARCIA AVENUE

ISANG RICARDO ANGELES

NITONG SABADO

P GARCIA AVENUE

UNIVERSITY AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with