MANILA, Philippines - Nasa kritikal na konÂdisyon ang isang mister matapos itong magsaksak sa sarili nang mag-away sila ng kanyang misis kahapon ng umaga sa Navotas City. GinaÂgamot sa Manila Central University (MCU) Hospital sanhi ng saksak sa katawan si Gilbert Oracion, 33, ng Dalag St., Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) ng naturang lungsod.
Ayon sa Navotas City Police, naganap ang insidente dakong alas-6:00 ng umaga sa loob ng bahay ng mag-asawa sa naturang lugar.
Una nang narinig ang pagtatalo ng biktima at misis nito sa hindi na nabatid na dahilan hanggang sa kumuha ng kutÂsilyo si Oracion at itinarak sa kanyang tiyan.
Agad namang nadala sa pagamutan ang mister.