MANILA, Philippines - Patay ang tatlong lalaki habang isa pa ang nasa kritikal na konÂdisyon matapos na paulanan ng bala ng baril ng hindi pa nakiÂkilalang mga suspect habang nag-iinuman ang mga biktima kamakalawa ng gabi sa Malabon City.
Dead-on-the-spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ang mga biktimang sina Ranillo Malinao, 30; Melvin Luciano, 37, at Elmar Tulipas, 41.
Sugatan naman at ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi rin ng mga tama ng bala sa katawan ang isa pang biktima na si Ronald Pinos, 28.
Ayon sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-11:50 ng gabi sa kahabaan ng Gil Pascual St., Brgy. Hulong Duhat ng nabanggit na siyudad habang nag-iinuman ang mga biktima sa naturang lungsod nang biglang sumulpot ang mga suspect na armado ng mga baril at biglang paulanan ng bala ang mga biktima.
Agad na nasawi ang tatlo habang sugatan naman si Pinos. Mabilis na nagsiÂtakas ang mga suspect matapos ang isinaÂgawang pamamaril.
Lumalabas sa rekord ng pulisya na may kasong illegal posÂsession of firearm si Malinao; frusÂtrated murder naman si Tulipas habang theft naman ang kaso ni Luciano.
Sa ulat ng pulisya, hinihinalang mga hired killer din ang mga nasawi base sa nakuhang mga impormasyon.
Patuloy pa rin ang isinagawang imbestigasyon sa naturang insidente.