MANILA, Philippines - Nagparamdam na ang problema sa baradong mga drainage system sa Metro Manila makaraang mabulaga ang publiko sa biglaang pagbaha dulot ng malakas na buhos na ulan kahapon ng tanghali.
Sa advisory ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), kabilang sa mga lugar na nagkaroon ng pagbaha ay ang ilang lugar ng Quezon Avenue malapit sa Biak na Bato na humupa rin naman matapos ang ulan.
Ilang bahagi ng kahabaan ng Rizal Avenue sa Taft Avenue sa Maynila ang tumaas rin ang baha maging sa Rizal Avenue Extension sa Caloocan City.
Sa España sa Maynila at paligid nito mga lugar dito ang nalubog sa mataas na pagbaha kaya nagkabuhul-buhol ang trapik dito na umabot na sa kahabaan ng Quezon Avenue sa QC.
Mas maraming lugar sa Maynila ang nalubog sa tubig sa halos isang oras lamang na ulan.
Dito nabulaga ang publiko sa pag-ulan dahil sa marami ang hindi nakapagdala ng payong o anumang panangga sa ulan. Katwiran ng marami, hindi nila inakala na malakas ang buhos ng ulan dahil sa sobrang init ng umaga at pagdedeklara ng PAGASA na umpisa na ng panahon ng “summerâ€.
Nagkabuhul-buhol naman ang maraming kalsada sa Metro Manila dulot ng pag-ulan.Una nang nagpalabas ang PAGASA ng “thunderstorm warning†na tatama sa mga lungsod ng Mandaluyong, San Juan, Pasig, CAMANAVA at Quezon City.