^

Metro

Rider sumalpok sa poste, lasog

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang rider ang nasawi matapos na aksidenteng sumalpok sa poste sa flyover ng C5 sa Pasig City ang kanyang sinasakyang motorsiklo kahapon ng madaling-araw.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Jayson Santos, 30, residente ng T. de Leon St., Valenzuela City.

Batay sa report ng Traffic Parking Management Office­ (TPMO), nabatid na dakong alas-2:16 ng ma­daling-araw nang maganap ang insidente sa C5 flyover sa Brgy. Ugong, Pasig City.

Minamaneho ng  biktima ang kanyang kulay puti at itim na Yamaha Mio (8491-NJ) at patungo sa direksyon ng Makati City nang aksidenteng salpukin ang isang street post na nasa center island ng flyover.

Sa lakas ng impact nang pagkakabangga ay ma­tinding napinsala ang mukha ng biktima kahit pa may suot itong helmet.

Tumilapon din ang biktima may ilang metro ang layo mula sa kanyang motorsiklo, na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

 

vuukle comment

BATAY

BRGY

JAYSON SANTOS

LEON ST.

MAKATI CITY

PASIG CITY

TRAFFIC PARKING MANAGEMENT OFFICE

VALENZUELA CITY

YAMAHA MIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with