Ginang nag-suicide

MANILA, Philippines - Isang ginang ang nagpatiwakal sa pamama­gitan ng pagbigti sa sarili sa loob ng kanilang ta­hanan sa Pasig City kama­kalawa ng hapon.

Sa iniwang ‘suicide note’ ni Sheilla Fajardo, 22 ng Aguinaldo St., Zandro Ville, Nagpayong, Brgy. Pinagbuhatan sa lungsod ay humihingi ito ng kapatawaran sa kanyang ina, dalawang anak at kinakasama dahil sa kanyang nagawang pagpapakamatay.

Hindi naman binanggit ng biktima sa kanyang suicide note kung ano ang dahilan ng kanyang ginawang pagpapatiwakal na malalim ngayong palaisipan sa kanyang pamilya. Nylon cord ang ginamit ng biktima sa kanyang pagbibigti na itinali sa amba ng kanilang tahanan at ipinulupot sa kanyang leeg.

Base sa imbestigas­yon ni PO3 Al Alvarez, nabatid na dakong alas-5:45 ng hapon nang na­dis­kubre ang bangkay ng biktima. Nakuha ang suicide note sa ibabaw ng isang timba na nakasulat ang paghingi ng tawad sa kanyang ina, live-in partner na si Erwin Pulawan, 22 at  dalawang anak na sina  Cheska at Feona.

 

Show comments