Binata utas sa holdap

MANILA, Philippines - Tinangay na ang pera at cellphone, pinatay pa ang isang binata ng apat na kawatan na humoldap sa kanya kahapon ng madaling-araw  sa lungsod Quezon.

Si Jonathan Balleta, 33, ay nasawi nang atakehin ng saksak sa isang bus terminal sa kahabaan ng Quirino Highway.

Ayon sa ulat, apat na kalalakihan  isa sa mga ito ay armado ng patalim ang nangholdap at sumaksak sa biktima na residente ng Urduja Village, Caloocan City sa harap ng Acer bus terminal sa  Quirino Highway, Brgy. Sta Monica, Novaliches, ganap na alas-12 ng hatinggabi.

Sinasabing naglalakad ang biktima sa lugar nang biglang harangin ito ng mga suspect at tutukan ng patalim at saka nagdeklara ng holdap ang mga huli.

Agad na kinuha ng mga suspect ang dalang pera at cellphone ng biktima, gayunman hindi pa nakuntento ang mga ito ay sinaksak pa ang huli. Mabilis na nagsitakas ang mga suspect habang isinugod naman sa ospital ng mga nagmamalasakit ang biktima pero hindi na umabot pang buhay.

 

Show comments