Palpak ang trabaho, technician, itinumba

MANILA, Philippines - Posibleng dahil umano sa palpak na trabaho ang dahilan kung bakit binaril at napatay ang isang electronic technician  ng hindi nakikilalang  suspect  habang ang una ay naglalakad sa kanilang lugar sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot sanhi ng tama ng bala sa  ulo ang biktimang si Elmer Quimson, 34,  ng Phase 5, Flovi Homes, Brgy.  Tonsuya ng naturang lungsod.

Batay sa ulat ng Malabon City Police, naganap ang insidente dakong alas-10 ng gabi, habang naglalakad ang biktima sa Phase 6, Flovi Homes nang  barilin ito  mula sa likod ng suspect.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspect  at iniwang walang buhay ang biktima.

Nabatid sa Malabon City Police, na may mga nagrereklamong mga kostumer sa nasabing biktima  dahil palpak umano ang mga gawa nito.

Inaalam na ng mga pulis kung sino ang suspect at ang tunay na motibo sa pamamaril.

Show comments