MANILA, Philippines - Dahil sa patuloy na kam panya laban sa mga double dead na karne, umaabot naman sa 419 botcha ang nasabat sa lungsod ng CaÂloocan.
Sa ulat ng Caloocan City Veterinary Office, nasabat ang 419 kilos ng botcha sa palengke sa 3rd Avenue, Grace Park, ng naturang lungsod.
Nabatid na nagsasaÂgawa ng regular inspection ang mga tauhan ng City Veterinary Office sa palengke sa 3rd Avenue nang masabat ang mga botcha na hindi pa natitilad.
Wala namang naaresto ang mga otoridad dahil sa basta na lamang umanong iniwan ang mga botcha nang malaman na parating ang mga tauhan ng VeteÂrinary Office.
Patuloy naman ang isiÂnasagawang regular insÂpection sa lahat ng pamiÂliÂhan ng lungsod upang hindi malusutan ng mga double dead na karne.
Kasabay nito, binalaan naman ni Caloocan City Mayor Recom Echiverri ang mga negosyante na tigilan na lamang ang pagtitinda ng karneng botcha dahil malaking abala ang sasapitin ng mga ito sakaling mahuli ng mga awtoridad bukod pa sa masamang epekto nito sa katawan ng taong makakakain.
Hiniling din ng alkalde sa mga residente na maÂkipagtulungan sa lokal na pamahalaan upang maÂhuli ang mga negosyanteng nagÂtitinda ng karneng bot cha sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng mga ito sa pulisya.